Habang isinusulat ito sumisiklab sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga kilos protesta laban sa diumano’y trilyon-trilyong pisong nawaldas mula sa kaban ng bayan. Ang tinig ng mamamayan ay malinaw na sukdulan na ang kanilang galit sa mga tiwaling pulitiko kontraktor at mismong kagawaran na dapat sana’y nagsisilbi sa interes ng sambayanan. Ngunit ang tanong hanggang saan aabot ang sigaw ng lansangan? Paulit-ulit na tayong nakasaksi ng mga demonstrasyon paulit-ulit ding nanawagan ng pananagutan. Subalit sa dulo tila ba walang nagbabago walang nakukulong walang napapanagot. Para bang manhid na ang mga nasa poder walang hiya at walang pakialam sa hinagpis ng taumbayan.
Ang Trillion Peso March ay hindi lamang simpleng pagpapahayag ng galit. Isa itong panawagan para sa hustisya at paniningil. Huwag sana itong maging isa na namang protesta na malilimutan at mapapalis ng panahon. Kung walang malinaw na resulta kung walang mapapanagot mananatili lamang itong alaala ng pagkadismaya. Naririnig na ngayon ang galit ng taumbayan. Ngunit higit sa lahat kailangan nating maramdaman ang aksyon ng pamahalaan imbestigasyon na may tapang paglilitis na may katarungan at pagpaparusa na walang kinikilingan.
Habang nananawagan tayo ng pananagutan ipagdasal din natin ang kaligtasan ng bawat mamamayang lumalaban para sa bayan. Sapagkat ang laban na ito ay higit pa sa pera ito ay laban para sa dangal at kinabukasan ng sambayanang Pilipino. Kung hindi kikilos ang mga may kapangyarihan ang tanong ng sambayanan ay mananatiling nakabitin Ano ang mangyayari pagkatapos ng Trillion Peso March? (DJ Gealone)




