TUKLASIN NATIN! (09/22/2025)

Bago pa man ang panahon ng modernong elepante, may isang nilalang na gumala sa mga kagubatan ng Asya—ang Stegodon, isang dambuhalang hayop na kahawig ng elepante ngunit mas mahabang pangil at kakaibang pangangatawan. Ngunit gaya ng maraming sinaunang nilalang, naglaho ito sa takbo ng kasaysayan.

Ipinapakita ng pananaliksik na maraming salik ang nagtulak sa pagkalipol ng Stegodon. Una, ang climate change—nagbago ang klima, lumiit ang kanilang tirahan, at nawala ang mga halamang kanilang kinakain. Sinabayan pa ito ng volcanic activity na maaaring nakaapekto sa kanilang populasyon. Sa mga isla, nagkaroon pa ng geological isolation, na nagdulot ng dwarfism o pagliit ng kanilang lahi hanggang sa lumiit ang kanilang tsansa sa kaligtasan.

Dagdag pa rito, dumating ang tao—na marunong nang manghuli. Pinaniniwalaang ang panghuhuli at kompetisyon mula sa mas adaptable na species tulad ng Asian elephants ang tuluyang nagbura sa kanila sa planeta.

Ang kuwento ng Stegodon ay isang paalala na ang kalikasan at tao ay parehong may kakayahang bumago ng kapalaran ng mga nilalang. Sa ating panahon ngayon, tayo ang may kapangyarihan at responsibilidad na hindi maulit ang ganitong trahedya sa mga hayop na nabubuhay pa.

Kapag nawala ang isang nilalang, dala nito ang isang piraso ng ating kasaysayan—at hindi na iyon maibabalik.(JDC)

Spread the love

FREE WIFI SA 12K NA GIDA SCHOOLS SA BANSA.

BSP TO STOP TAKING NEW DIGITAL BANK LICENSE APPLICATIONS BY DECEMBER 1

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"