PCUP AT PRA, NAGKAISA PARA SA URBAN POOR

DAVAO CITY — Pormal nang nagsanib-puwersa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Philippine Retirement Authority (PRA) upang higit pang mapaunlad ang pamumuhay ng mga urban poor communities sa bansa.

Noong Setyembre 14, 2025, nilagdaan ng dalawang ahensya ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Brgy. Matina Crossing, Davao City. Dumalo sa makasaysayang pagtitipon sina PCUP Chairperson at CEO Usec. Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales, Mindanao Commissioner Hon. Remedios S. Chan, Luzon Commissioner Atty. Emmanuel Gison Jr., PRA General Manager Roberto Zozobrado, Kapitan Joel Santes ng Matina Crossing, at mga kinatawan ng PRA at PCUP mula sa Central Office at Field Operations Division for Mindanao.

Kasabay ng pagpirma, namahagi rin ng mga bag ng goodies ang ilang foreign retirees para sa mga kabataan mula sa urban poor organizations — bahagi ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) at Care Connect program ng PRA.

Layunin ng kasunduan na magtaguyod ng mga programang sabay na makikinabang ang mga dayuhang retirees at lokal na urban poor communities. Kabilang dito ang pagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan, pagtatayo ng social enterprises, pagpapahusay ng health services, pagtatayo ng senior-friendly infrastructure, at paghikayat ng aktibong partisipasyon sa komunidad.

Bagama’t sa Davao City isinagawa ang unang aktibidad, nakapaloob sa kasunduan na nationwide ang magiging saklaw nito — isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at maunlad na pamayanan para sa lahat.

Spread the love

BULACAN, KABILANG SA TOP 5 MOST BUSINESS-FRIENDLY LGUS – PCCI

PCOL ARIEL RED AT MGA HEPE NITO TONGPATS SA TALAMAK NA SAKLAAN SA CAVITE?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"