PIA MAGLULUNSAD NG PAGSASANAY SA AI PARA SA GRASSROOTS COMMUNICATIONS

CALAMBA CITY, Laguna – Magsasagawa ang Philippine Information Agency (PIA) ng pagsasanay ukol sa paggamit ng artificial intelligence (AI) upang maisama ito sa grassroots communications at mas mapalakas ang paghahatid ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.

Ayon kay PIA Director-General Katherine Chloe De Castro, bahagi ito ng inisyatiba ng ahensya na palawakin ang kakayahan ng kanilang mga tauhan at partner media sa paggamit ng makabagong teknolohiya.

Matagal na tayong nagtuturo kung paano sumulat ng balita at gumawa ng materyales para sa social media. Ngayon, nais nating aralin ang AI at paano natin ito magagamit para sa ating benepisyo,” ani De Castro sa programang panradyo ng PIA.

Ang naturang hakbang ay kaagapay din ng kampanyang “Maging Mapanuri” ng Presidential Communications Office (PCO) na nagtataguyod ng media at information literacy upang mahikayat ang mga Pilipino na maging responsable sa pagkonsumo ng digital na nilalaman.

Dagdag pa ni De Castro, hindi lamang mga kawani ng PIA ang makikinabang sa AI workshops kundi maging ang mga government information officers at lokal na media partners sa iba’t ibang panig ng bansa. Aniya, mahalaga ang kanilang papel sa mabilis na pagpapakalat ng mga impormasyon mula sa pamahalaan.

Binigyang-diin din niya na ang paggamit ng AI sa komunikasyon ay nakaayon sa Bagong Pilipinas vision ng administrasyon—isang lipunang digital na may mas episyenteng gobyerno na handang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.(Grace Batuigas)

Spread the love

KASAKIMAN: SUGAT NA DAPAT GAMUTIN NG PANANAMPALATAYA

PANGULONG MARCOS JR, NANAWAGAN NG TAPAT NA PAGLILINGKOD SA MGA LOKAL NA OPISYAL

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"