E-Sabong ni Alyas Alvarez at Capinpin, tuloy pa rin!
BATANGAS – Patuloy ang panawagan ng ilang residente at civic groups na tugunan ng kapulisan ang umano’y malawakang operasyon ng iligal na pasugalan sa lalawigan. Ayon sa isang nagpakilalang concerned citizen, tila “nakapikit” umano ang ilang opisyal ng Batangas PNP sa pagdami ng mga aktibidad na ito.
Binanggit sa pahayag na sa kabila ng paulit-ulit na reklamo, hindi pa rin umano kumikilos si PNP PROVINCIAL DIRECTOR COL. GEOVANNY ERICK SIBALO upang tuldukan ang talamak na saklaan, bookies, at mga tinaguriang “pergalan.” Kabilang sa mga operasyon ang umano’y pinatatakbo nina LARRY “BOKBOK,” JAYSON “TOMBOY,” AT DONYA YOLLY, gayundin ang tinatawag na “BIG 4” ng saklaan at bookies sa Batangas.
Nakakalat umano ang mga pasugalan sa Cuenca, Alitagtag, San Luis, at Lian, samantalang namamayagpag din ang “majongan” sa palengke ng isang bayan na ilang hakbang lamang mula sa municipal hall.
Sa kasalukuyan tuloy-tuloy pa rin ang operasiyon ng illegal na mga E-Sabong nina ARIES ALVAREZ AT ALYAS JOHN CAPINPIN. Sa kabila yan ng kasalukuyang isyu patungkol sa mga nawawalang sabungero.
Lubos na ipinagtataka ng mga residente at civic groups ang patuloy na pamamayagpag ng mga illegal na gawaing ito na siya namang pinaniniwalaan ng mga residente at civic groups na diumano ay KONTROLADO at PROTEKTADO ni PCOL Geovanny Sibalo dahil bukod sa ipinangangalandakan ng mga iligalista ang pangalan ni PD, tila wala pa rin nakikikitang aksiyon ang mga ito mula sa kaniyang tanggapan. Katulad na lang ng mga naunang panawagan na ipasara ang operasiyon ng E-Sabong ni Alyas Capinpin at Alyas Alvarez.
PCOL.GEOVANNY ERICK SIBALO bukas ang aming tanggapan para sa inyong panig hinggil sa mga isyu at alegasiyong ito laban sa inyo. Dahil kung hindi pa daw po kayo aaksiyon ay ipapaabot ng mga concerned citizens ang kanilang reklamo sa tanggpan ng PNP Chief.
Babantayan at aabangan namin ang inyong magiging hakbang sa mga susunod na araw at linggo. Abangan may karugtong!!!! (Latigo Reportorial Team)




