Pangungunahan ni Senador Rodante Marcoleta ang muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyektong pangkontrol sa pagbaha.
Bababalaan ni Marcoleta ang mga opisyal at resource persons na dadalo sa pagdinig na huwag magbibigay ng palusot at huwag babalewalain ang kanilang pananagutan sa taumbayan.
“Sa lahat ng mga opisyal at ibang resource persons na nandito—huwag ninyo kaming susubukan. Ang taumbayan po ay magbabantay, at hindi po namin tatanggapin ang mga dahilan at palusot,” ayon sa ipapahayag ng senador.
Ididiin pa ni Marcoleta na matagal nang magtitiis ang mga Pilipino sa pinsala ng baha dahil sa kapalpakan ng mga proyektong dapat sana’y magbibigay proteksyon sa mga komunidad. Aniya, hindi na dapat ipagpapaliban ang paghahanap ng hustisya at pananagutan ng mga nasa likod ng umano’y iregularidad.
Tinitiyak ng senador na paiigtingin ng komite ang mga pagdinig upang matukoy ang mga responsable at masiguro na hindi na mauulit ang ganitong uri ng katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan. (Latino Reportorial Team)




