ALYAS MIKE, UNTOUCHABLE SA PROTEKSIYON NI NBI-4A DIRECTOR RENE GARBO III

CALABARZON — Lalong nabubunyag ang lawak ng umano’y kolektahan sa rehiyon na pinamumunuan ni alyas “Mike,” na nagpapakilalang bagman ni NBI-4A Regional Director Atty. Renato Garbo III. Sa halip na mapigil, patuloy pang lumalakas ang operasyon habang nananatiling tahimik si Director Garbo sa mga paratang.

Ayon sa mga reklamo, hindi lamang pangongolekta ang ginagawa ni alyas Mike. Nagmamayabang din umano ito na siya ay “untouchable” dahil protektado raw mismo ni Director Garbo. Dahil dito, takot ang mga operator na magsumbong dahil baka sila pa ang masampolan ng kaso o mapatahimik.

Batay sa testimonya at dokumentong nakalap ng mga civic groups, malinaw umanong sistematiko ang lingguhang kolektahan mula sa iba’t ibang anyo ng sugal — kabilang ang mga pergalan, bookies, STL-con jueteng, saklaan, at mga operasyon ng paihi. Tinatayang aabot sa daan-daang libong piso ang nakokolekta kada linggo, na sinasabing pinakikinabangan ng ilang tiwaling opisyal.

Kapag hindi ka nagbigay, ikaw ang unang ipapasara o huhulihin. Mas malala pa, hayagan niyang sinasabi na wala siyang takot dahil hawak niya ang pangalan ni Director Garbo,” pahayag ng isang operator na tumangging magpakilala dahil sa pangambang mabiktima ng ganti.

Mariing iginiit ng mga grupong sibiko na hindi sapat na papanagutin lamang si alyas Mike; dapat ding ipasara ng NBI ang mga nagkalat na pasugalan sa rehiyon. Anila, ang mismong presensya ng mga iligal na operasyon ay malinaw na ebidensya ng kapabayaan at posibleng pagkunsinti ng mga nasa puwesto.

Sa kabila ng sunod-sunod na panawagan para sa imbestigasyon, wala pa ring opisyal na pahayag si Director Garbo. Ang kaniyang patuloy na pananahimik ay lalo lamang nagpapalakas sa hinala na may mas malalim siyang koneksyon sa naturang kolektahan.

Hinihiling ngayon ng mga residente at watchdog groups na agarang kumilos ang Department of Justice at ang NBI central office upang wakasan ang umano’y malawakang “kolektahan” at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa institusyon. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PGB, INALALA ANG IKA-175 TAONG KAARAWAN NI GAT. MARCELO H. DEL PILAR

SEN. MARCOLETA, PANGUNGUNAHAN ANG IMBESTIGASYON SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"