MALOLOS, PINARANGALAN SA 2025 CENTRAL LUZON STAR AWARDS

MALOLOS, Bulacan — Umani ng parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa katatapos na 2025 Central Luzon STAR Awards (Sustainable Tourism Appreciation and Recognition), na nagbigay-pugay sa mga proyektong pangturismo at makakalikasang inisyatibo sa rehiyon.

Kabilang sa mga natanggap ng lungsod ang Resilient Destination Award – 1st Runner Up para sa matatag at tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng turismo sa kabila ng iba’t ibang hamon.

Nakamit din ng Punique Handicrafts ng Malolos ang Path to Purpose Award – 1st Runner Up bilang pagkilala sa kanilang makabagong likha at pagsuporta sa lokal na kabuhayan.

Nagwagi rin ang mga lokal na grupo: Balangay Apuy Community Tour Guides bilang Champion sa Community-Based Tourism Legacy Award, at ang Puni De Malolos naman ay tinanghal na 2nd Runner Up sa parehong kategorya, bilang pagpapakita ng malasakit sa kulturang Bulakenyo at pagbibigay hanapbuhay sa mga residente.

Isa ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa mga finalists ng kauna-unahang STAR Awards sa Gitnang Luzon, na layong kilalanin ang mga lungsod, bayan, at organisasyong nagtataguyod ng napapanatiling turismo sa bansa.

Ipinahayag ng mga opisyal ng lungsod na magsisilbing inspirasyon ang mga parangal upang lalo pang paunlarin ang kanilang mga programa sa turismo, habang pinangangalagaan ang kalikasan at pamanang kultural ng Malolos. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MGA SAKLAAN SA CAVITE, LUMALAKAS! PD AT MGA COP, NADADAWIT SA PAYOLA?

NAPOLCOM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKATALAGA NI PLTGEN. NARTATEZ JR

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"