PGB, NAMAHAGI NG ATM ACCOUNTS SA 3,000 ISKOLAR

LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN – Bilang patuloy na pagtupad sa pangako ng abot-kamay at inklusibong edukasyon, namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng Landbank ATM cards sa 3,000 iskolar ng programang Tulong Pang-Edukasyon Para sa Bulakenyo sa ginanap na Scholars’ General Assembly noong Agosto 11, 2025 sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro ang seremonyal na pamamahagi upang matiyak ang mas mabilis at ligtas na paglalabas ng scholarship grants na malaking tulong sa gastusin ng mga estudyante sa matrikula, pamasahe, at iba pang pangangailangan sa pag-aaral.

Kasama sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral mula senior high school, kolehiyo, master’s at graduate studies, gayundin ang mga naghahanda para sa board examinations. Saklaw din ng programa ang mga kabilang sa mga sektor na nasa laylayan tulad ng Katutubong Dumagat, Persons with Disabilities (PWDs), mga anak ng solong magulang, magsasaka, mangingisda, at volunteer workers.

Kaugnay nito, nilagdaan din ng Pamahalaang Panlalawigan at Bulacan State University (BulSU) ang Memorandum of Agreement para sa programang “Nars na Bulakenyo, Iskolar ng Kapitolyo.” Sa ilalim ng kasunduang ito, pagkakalooban ng buong nursing scholarship ang 30 piling estudyante ng BulSU na sasaklaw sa matrikula, miscellaneous fees, at iba pang gastusing pang-akademiko.

Binigyang-diin ni Gobernador Fernando na ang mga hakbang na ito ay hindi lamang simpleng tulong pinansyal kundi isang konkretong paraan upang maiangat ang pamumuhay ng bawat Bulakenyo sa pamamagitan ng edukasyon.

Naniniwala ako na ang edukasyon ang pinakamalakas na pantay-pantay na tagapagbigay ng oportunidad—ito ang susi para mabuksan ang mas maraming pintuan ng tagumpay at para mapalakas ang ating mamamayan na mapagtagumpayan ang anumang hamon,” ani Fernando. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

ARTISTA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL -MARCOLETA

ALYAS “MIKE,” KINAKALADKAD SA PANGONGOLEKTA SI NBI-4A DIRECTOR GARBO III

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"