KAMARA MAS MATAAS ANG RATINGS KAYSA SA SENADO

Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, mas mataas na ngayon ang tiwala at kasiyahan ng publiko sa Mababang Kapulungan kaysa sa Senado. Ipinapakita ng pinakahuling OCTA survey nitong Hulyo 2025 na nakapagtala ang Kamara ng 57% trust rating mula sa dating 49%, at 55% satisfaction rating mula 47%. Samantala, bumagsak ang Senado sa 49% trust rating at 47% satisfaction rating.

Karaniwang mas mataas ang marka ng Senado sa ganitong mga survey, ngunit malinaw na nagbago ang trend. Sa halip na manatiling nasa likod, nakabawi ang Kamara sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtutok sa paggawa ng batas, pangangasiwa, at iba pang serbisyong direktang nakaaapekto sa mamamayan.

Ang pagbabagong ito ay nagpapahiwatig ng mas malinaw na pagpapahalaga ng publiko sa kongkretong resulta kaysa sa retorika. Habang bumababa ang kumpiyansa sa Senado, tumataas naman ang kredibilidad ng Kamara sa mata ng mga botante.

Malinaw din na may inaasahan na ngayon ang mamamayan sa pagpapatuloy ng ganitong takbo. Ang hamon para sa dalawang kapulungan ay hindi lamang makipagpaligsahan sa ratings, kundi sabay na tiyakin na ang buong Kongreso ay gumagana nang tapat, epektibo, at nakatuon sa interes ng publiko..(Grace Batuigas)

Spread the love

RAMON ANG, HANDANG TUMULONG SA PAGLILINIS NG DALUYAN SA METRO MANILA

PAGPAPATIGIL SA ONLINE GAMBLING, TUTUKAN NG SENADO!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"