BATANGAS SUGALAN MALAKAS PA

BATANGAS — Tila hindi kaya gibain nina PCOL Geovanny Sibalo at PBGEN Jack Wanky ang matitibay na kuta ng sugalan nina alyas Aries Alvarez at alyas John Capinpin sa lalawigan ng Batangas!

Kahit malinaw na ipinagbawal na ng pamahalaan at mismong niutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasara ang lahat ng online sabong sa bansa, patuloy pa rin ang operasyon ng mga pasugalan dito — mas high-tech na ngayon, gamit ang makabagong makina, live streaming, at mabilisang pustahan online. Sa halip na humina, lalo pang lumalakas ang negosyo ng mga ito na mistulang untouchable.

Ang masakit, tila nananahimik lang ang mga dapat ay nagbabantay sa batas. Sa halip na sugpuin, parang nagbubulag-bulagan at nagbubusalan ng bibig ang mga opisyal na inaasahan ng taumbayan na mamumuno sa pagpapatigil ng mga iligal na aktibidad. Sa ganitong sitwasyon, malinaw ang tanong ng marami: kayang-kaya ba talagang gibain ng Batangas PPO at PRO 4A ang mga bigating personalidad na nasa likod nito, o baka naman “kinakaya” sila sa ibang paraan?

Matagal nang usap-usapan sa lalawigan na ang operasyon ng mga sabungang ito ay konektado sa mga madilim na isyu na gumulantang sa buong bansa. Alam na ito ng publiko, ngunit nananatiling tikom ang mga bibig ng mga may kapangyarihan. Habang lumilipas ang mga buwan, mas lalong lumalakas ang impresyon na may kumukupkop at pumoprotekta sa mga pasugalan na ito.

Panawagan ng mga Batangueño at ng pahayagang ito kay DOJ Secretary Crispin Remulla at DILG Secretary: huwag nang patagalin pa. Kumilos na bago tuluyang lamunin ng iligal na online sabong ang buong Batangas. Gibain ang mga pasugalan, papanagutin ang mga nagtataguyod nito, at ipakita na walang mas mataas sa batas. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

ILLEGAL GAMBLING SA QUEZON, LAGANAP PA RIN

RMFB 4A, PINAKAMAHUSAY SA BANSA PARA SA 2025

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"