ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATIONS NG LAGUNA PNP, NAKASAKOTE NG 273 SUSPE

LAGUNA – Umabot sa 273 na katao ang naaresto sa mahigit isang buwang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagsusugal ng Laguna Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni PCOL Jonar R. Yupio, Acting Provincial Director.

Mula sa 80 operasyon laban sa illegal number games, 99 na suspek ang naaresto, habang sa 61 operasyon laban sa iba pang uri ng ilegal na sugal gaya ng tong-its, mahjong, bingo, at color game, 174 ang nahuli. Umabot naman sa ₱226,120 ang nakumpiskang bet money mula sa mga operasyon.

Ang lahat ng naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9287 at PD 1602. Ayon kay PCOL Yupio, magpapatuloy ang walang humpay na kampanya ng Laguna PNP upang tuluyang masugpo ang ilegal na pasugalan sa buong lalawigan, katuwang ang suporta ng komunidad. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

WOMEN EMPOWERMENT AT GENDER EQUALITY, PRAYORIDAD NI PCUP CHAIRMAN GONZALES

ILLEGAL GAMBLING SA QUEZON, LAGANAP PA RIN

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"