PANUNUMPA NG MGA BAGONG EMPLEYADO NG PCUP, PINANGUNAHAN NI USEC GONZALES

LUNGSOD QUEZON – Pinangunahan ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson at CEO, Undersecretary Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales ang Flag Raising Ceremony ng Komisyon nitong Lunes, Agosto 4, sa pamamagitan ng onsite gathering at Zoom.

Kasabay nito, nanguna rin si Usec. Gonzales sa oath-taking ceremony ng mga bagong hirang at na-promote na kawani ng PCUP mula sa Central Office, Field Operations Division para sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao, kasama si Commissioner Atty. Emmanuel E. Gison, Jr.

Ipinakilala rin sa nasabing aktibidad ang mga bagong Contract-of-Service (COS) employees, na buong pusong sinalubong ng mga kawani at kinatawan ng PCUP.

Nagpahayag ng pasasalamat si Usec. Gonzales sa suporta ng lahat sa kanyang pamumuno at pinaalalahanan ang bawat isa na magtulungan para sa kapakanan ng mga komunidad na pinagsisilbihan ng Komisyon.

Let us lift each other up and always work with a smile,” ani Gonzales.

A ng programa ay pinangunahan ng Research, Planning & Monitoring Division (RPMD) bilang tagapagpadaloy ng seremonya. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MARCOLETA: IBASURA ANG IMPEACHMENT KAY SARA

P598K HALAGA NG SHABU NASABAT

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"