SMES UNTI-UNTING ,WINAWASAK NG MASAMANG KALIKASAN,KAILANGAN NG PAGHAHANDA

Mga igan, lubhang apektado masamang panahon, lalo na kung may kalamidad tulad ng Bagyo, ang mga Small and Medium Enterprises (SMEs).

Kaya tuloy-tuloy ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-gabay sa maliliit na mamumuhunan sa ating bansa.

At kung minsan, may SMEs na nahuhuli sa usapin ng disaster planning, pero marami rin namang maliliit na negosyo sa Pilipinas ang gumagawa ng kanya-kanyang praktikal na diskarte para maging handa kapag may mga ganitong sitwasyon.

May mga negosyanteng naghahanda ng “go bag na may lamang posporo, flashlight, instant noodles, tubig, at emergency numbers na plastik laminated hindi lang para sa kanilang pamilya kundi pati sa mga tauhan nila.

Tulad ng palaging ginagawa ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang bawat rescue Responders ay equip ng Go Bag,na naglalaman ng Medical Kit na maaring magamit sa panahon ng emergency o pagliligtas ng buhay.

Kung may banta ng baha o masamang panahon, madali itong maihahanda at maibibigay sa kanilang mga empleyado.

Ang iba naman ay may mga group chats para sa mabilisang palitan ng impormasyon tuwing may kalamidad.

May mga negosyante rin na mayroong simpleng “disaster plan”—may listahan ng suppliers na puwedeng tawagan, checklist ng pangunahing mga kailangan (gas, tubig, kandila), at drills para mabilis na mailikas ang mahahalagang gamit.

Ito ang ilang tips sa panahon ng kalamidad at emergency, Gumawa ng basic disaster kit, tubig, pagkain, baterya, first aid, at kopya ng mahalagang dokumento.

Magtalaga ng group chat o (GC ) contact person para sa mabilis na impormasyon at alistong aksyon.

Tukuyin ang pinakamalapit na evacuation route at evacuation center; Regular na i-review at i-update ang plano, lalo na kapag may mga bagong natutunan mula sa aktwal na sakuna.

Hindi rin kailangan ng milyon-milyong pondo para maging handa, mas mahalaga ang mindset ng kahandaan ang pagiging proactive at maparaan.

Dapat ang bawat maliit na negosyo na may malinaw na plano, sa isang komunidad ang naililigtas, napapangalagaan ang ekonomiya, at nabubuo ang tiwala ng mga empleyado at kanilang pamilya na hindi sila pababayaan ng kanilang employer.

Napapanahon na ito para gawing bahagi ng pagpapatakbo ng ating mga negosyo ang disaster planning para sa mas matatag na paghahanap-buhay.

Para sa inyong mga reklamo ang rekasyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

TUKLASIN NATIN! – HULYO 28, 2025

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"