AYUDA SA MALOLOS HATID SA BAHA VICTIMS

MALOLOS CITY, BULACAN — Nagsimula na ang pamamahagi ng ayuda para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat sa Lungsod ng Malolos.

Noong Martes, Hulyo 22, 2025, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang relief operations sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod. Ang mga pansamantalang naninirahan sa mga evacuation centers ay unang nabigyan ng tulong, habang sinundan ito ng house-to-house distribution para sa mga nasalantang residente na nananatili pa rin sa kani-kanilang tahanan sa mga lugar na lubhang binaha.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang kanilang pagtutok sa mga apektadong barangay upang matiyak na walang Maloleño ang mapag-iiwanan sa panahon ng sakuna. Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod sa mga volunteer na tumulong sa pag-aayos at pamamahagi ng mga food packs sa mga nangangailangan.

Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga residente na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay opisyal para sa karagdagang tulong at impormasyon. (Latigo Reportorial Team)

TORRE PANALO SA CHARITY BOXING

IMPEACHMENT NI VP SARA DUTERTE, UNCONSTITUTIONAL AYON SA SC

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"