ILLEGAL GAMBLING HINDI MASAWATA NG PD NG TARLAC

TARLAC – Sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng mga mamamayan, patuloy pa rin ang paglaganap ng mga NAGKALAT na iligal na mga sugalan sa lalawigan ng Tarlac, bagay na hindi pa rin nasusugpo ng kasalukuyang Provincial Director ng PNP-Tarlac na si PCOL Miguel Guzman.

Ayon sa mga reklamong ipinapaabot sa ating tanggapan, sangkot diumano sa operasyon ng iligal na sugal ang isang ALYAS “JAY” na diumano’y nangongolekta ng tongpats, habang ang isang ALYAS “BALAGTAS” diumano naman ay sinasabing ginagamit ng National Bureau of Investigation (NBI) upang makapangolekta rin umano sa ilalim ng basbas ng isang mataas na opisyal na si ALYAS R GONZALES na kilala din mga kolektong din na sina ALYAS NA “PAYTON” AT “JEROME.

Ayon sa ating informant, itong si ALYAS R GONZALES ang may kontrol at kapangyarihan sa mga sugal-lupa sa lugar ng Fernandez at maging sa buong lalawigan ng Tarlac at sinasabing utak at pinuno ng lahat ng ilegal na aktibidad sa nasabing probinsya — tinaguriang “master of all masters” ng iligal na kalakaran.

Sa harap ng mga alegasyong ito, muling nananawagan ang mga ilang mga concerned citizens sa bagong PNP Chief na si PGEN Nicolas Torre III na aksyunan ang sitwasyon. Giit nila, tila manhid at walang ginagawa si PD Guzman at ilang hepe ng mga istasyon ng pulis sa lalawigan upang puksain ang lumalalang sugalan sa kanilang nasasakupan.

Matagal nang lantaran ang sugalan dito sa amin. Pero hanggang ngayon, tila wala pa ring konkretong aksyon mula sa pamunuan ng kapulisan sa Tarlac.” ani ng isang residente na humiling ng huwag mapangalanan.

Kung hindi ito maaaksyunan agad, mas lalalim pa umano ang ugat ng katiwalian sa probinsya at lalo lamang mawawalan ng tiwala ang taumbayan sa lokal na pamahalaan at kapulisan.

Kaya panawagan natin kay PD PCOL GUZMAN, sir aksyunan niyo na po ito upang hindi magmukhang mahina ang inyong liderato para pamunuan ang Tarlac PNP. Dahil kung hindi niyo ito aaksiyunan eh baka patuloy na maghinala ang taumbayan. Matagal na kayo diyan kaya dapat ay mas maayos na ang lalawigan ng Tarlac.

Bukas ang aming tanggapan kung kayo ay may nais iparating at pahayag ukol sa isyung ito.

Abangan! May kasunod pa!.(Latigo Reportorial Team)

BULACAN NAGLUNSAD NG DISASTER RESPONSE

PNP CHIEF URGES DIALING 911

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"