SONA, PERSONAL NA BINABANTAYAN NG PANGULO ANG PAGHAHANDA

Mga Ka-Latigo, habang papalapit na naman ang pinakahihintay na State of the Nation Address o SONA ng ating Pangulo, heto’t isang magandang balita ang ating nasagap mula mismo sa palasyo: si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay hands-on at tutok na tutok sa paghahanda ng kanyang ika-apat na ulat sa bayan. Oo, mga kababayan, mismong si PBBM ang bumubuo at nag-uukit ng laman ng kanyang talumpati para sa Hulyo 28.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi biro ang pagsisikap ng Pangulo na buuin ang SONA dahil ito raw ay isang mahalagang pagkakataon upang direktang maipabatid sa taumbayan ang mga ginawa, ginagawa, at gagawin pa ng kanyang administrasyon.

““The President has been very involved personally in the preparation of the SONA because that is the report to the people,” sabi ni Bersamin sa mga mamamahayag sa Villamor Air Base bago tumulak ang Pangulo papuntang Washington D.C.

Kung baga sa eskwela, mga Ka-Latigo, si PBBM ay ‘di lang basta principal kundi siya pa ang gumagawa ng lesson plan!

Ang sabi pa ng kalihim, nakalap na raw ng Pangulo ang karamihan sa mga datos at impormasyon na ilalahad niya sa araw ng SONA.

He always gives the highest importance, and I think he has already collected the material for his SONA, dagdag pa ni Bersamin.

At hindi lang basta mga numero’t proyekto ang asahan nating laman ng ulat. Gusto raw ng Pangulo na iparamdam sa mamamayan ang sinserong hangarin ng pamahalaan na pagaanin ang buhay sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

Eh tungkol naman kaya sa biyahe niya sa Amerika? Aba’y may pasabog din diyan.

Sagot ni Bersamin, “If there is anything worth reporting, we can expect it.”

Kaya abangan natin kung paano tatalakayin ng Pangulo ang partnership ng Pilipinas at Estados Unidos, lalo na sa usapin ng depensa, kalakalan, at ang kinukwestyon nating 20% tariff sa ating mga inaangkat na produkto.

Sa madaling salita, mga Ka-Latigo, hindi lang ito simpleng SONA. Ito ay isang kwento ng pag-asa, isang ulat ng pagkilos, at isang paanyaya sa bayan na makiisa.

Kaya’t markahan na ang inyong kalendaryo, Hulyo 28, SONA ni PBBM. Tunghayan natin kung paano niya isasalaysay ang kasalukuyang estado ng ating bansa—at kung paano tayo sabay-sabay kikilos tungo sa mas maunlad na bukas.

Hanggang sa muli, mga Ka-Latigo—manatiling mapanuri, makabayan, at makabuluhan! (Mario Batuigas)

ABUSADONG LTO OPISYAL, SIBAK KAY DOTR SEC. DIZON

LATIGO JULY 14-20, 2025

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"