VM JOJIE VIOLAGO SA GITNA NG BAGYONG CRISING

MEYCAUAYAN – Sa kabila ng malalakas na ulan at pagbaha dulot ni Bagyong Crising, hindi nag-atubili si Meycauayan Vice Mayor Jojie Violago na personal na tumulong sa mga nasalanta.

Bitbit ang malasakit at serbisyo publiko, tumungo si Vice Mayor sa Brgy. Iba at Brgy. Tugatog upang mamahagi ng tulong sa mga apektadong residente. Ilan sa mga ipinamahagi ay mga kahon ng de-lata at sako-sakong bigas—mga pangunahing pangangailangan na siguradong makatutulong sa mga nawalan ng kabuhayan at tahanan.

Sa gitna ng unos, matatag ang presensiya ni Vice Mayor Violago—isang lider na hindi lang nakaupo sa opisina, kundi aktwal na rumiresponde sa panawagan ng taumbayan.

Maliwanag na sa bawat galaw niya, ipinapakita niya ang tunay na diwa ng serbisyo publiko: ang pagiging kasama ng mga tao sa hirap at ginhawa. Sa mga ganitong pagkakataon nasusukat ang puso ng isang lingkod-bayan—at si Vice Mayor Jojie Violago, hindi pumapalya.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods, tiniyak din ni Vice Mayor Violago na makausap ang ilang residente upang malaman mismo mula sa kanila ang kalagayan at mga pangangailangan sa gitna ng krisis. Kasama ang kanyang team, nagsagawa rin siya ng mabilisang assessment sa mga lugar na matinding naapektuhan upang agad na maiparating sa lokal na pamahalaan ang nararapat na aksyon. Ipinapakita lamang nito na hindi siya nakakulong sa papel bilang opisyal, kundi isa siyang lider na handang makinig, kumilos, at maglingkod sa panahong higit siyang kailangan. (Latigo Reportorial Team)

MALOLOS SENIORS, CENTENARIAN TUMANGGAP NG CASH GIFT

PBBM AT TRUMP, NAKATAKDANG MAGPULONG SA SUSUNOD NA LINGGO

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"