PCOL GUZMAN AT GOV CHRISTIAN YAP, WAPAKELS KONTRA ILIGAL NA SUGAL!

TARLAC — Lumipas ang isang linggo mula nang mabunyag sa ating pahayagan ang talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa lalawigan, ngunit tila wala pa ring malinaw na hakbang mula sa mga kinauukulan. Sa halip, mas naging garapal umano ang operasyon ng mga pasugalan sa ilang bayan sa Tarlac, ayon sa mga bagong sumbong na aming natanggap mula sa mga residente at concerned citizens.

Sa panibagong ulat na ipinadala sa ating tanggapan, muling ibinulgar ng isang source na sa kabila ng mainit na usapin tungkol sa “lagayan system” at umano’y koneksyon ng mga gambling operator sa matataas na opisyal ng pulisya at pamahalaang panlalawigan, hindi pa rin umano ito iniimbestigahan ng mas mataas na awtoridad gaya ng PNP Region 3 o ng DILG.

Ayon sa impormante, ang tinaguriang “Gambling Queen” na sina Espi at Agnes ay namamayagpag pa rin sa kanilang mga operasyon sa mga bayan ng Gerona, Capas, at Concepcion. Bukod sa sakla at color game, napag-alaman ding may mga bagong sugal na ipinapasok sa mga perya at barangay fiesta, na tila may basbas ng mga lokal na opisyal at pulis.

Lalong naging agresibo ang mga sugalan pagkatapos ng unang lumabas ang balita. Para bang ipinapamukha nilang wala kaming laban,” ani ng impormante.

Mas lumalalim na rin umano ang pagkakasangkot ng ilang opisyal. Sa bagong listahan ng mga pangalan na isiniwalat ng source, nadagdag sina ALYAS “TOTOY” at “WENDELL” na sinasabing mga “bagman” umano ng ilang opisyal sa kapitolyo, at tagapaghatid ng lingguhang koleksyon mula sa mga pasugalan.

Ang masaklap, ayon sa ilang residente ng Barangay San Rafael sa Tarlac City, ay ginagamit pa umano ang pangalan ni incoming Governor Christian Yap sa pananakot ng mga gambling operator. “Wag kayong makialam, kami ang bahala kay Governor,” umano ang bukambibig ng ilang tauhan ng mga operator.

Dahil dito, muling nananawagan ang mga taga-Tarlac sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at sa mismong Malacañang na tingnan ang kalagayan ng lalawigan at supilin ang mga nagmamatigas na gambling syndicate.

Kung hindi kikilos ang lokal na pamahalaan, sana’y dumirekta na ang national government. Wala na pong kinatatakutan ang mga sugarol dito sa Tarlac,” sigaw ng isang barangay kagawad na tumangging magpakilala sa takot sa posibleng ganting aksyon.

Samantala, patuloy pa ring tikom ang bibig ni PCOL Miguel M. Guzman, Gov. Susan Yap, at Gov. Christian Yap sa mga alegasyon. Walang inilalabas na opisyal na pahayag mula sa kanilang tanggapan sa kabila ng mga sumbong ng mamamayan.

Sa kabila ng katahimikan ng mga pinangalanan, umaasa pa rin ang mga taga-Tarlac na magkakaroon ng hustisya at tunay na aksyon upang tuldukan ang lumalalang problema ng ilegal na sugal sa kanilang lalawigan.

Patuloy ang aming pagsubaybay sa isyung ito..(Latigo Reportorial Team)

SAKLA SA ALFONSO AT DASMARINAS CAVITE, TULUYAN PA RING NAMAMAYAGPAG!

SMART, GREEN, AND LIVEABLE CITY ISUSULONG NI MAYOR NATIVIDAD SA KANIYANG PANGATLONG TERMINO

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"