Mayor Randy Salamat at Mayor Jenny Barzaga, protektor nga ba?
CAVITE – Walang imik. Walang sagot. Tahimik ang kampo nina MAYOR RANDY SALAMAT AT PMAJ JULIUS MOJICA kahit ilang linggo na ang lumipas mula nang ilathala natin ang isyung kinasasangkutan diumano nila tungkol sa talamak na saklaan sa bayan ng Alfonso, Cavite. Nananatiling tikom ang kanilang bibig at tila bale-wala lamang ang mga sumbong ng taong-bayan.
Matapos ang panawagan ng ating pahayagan sa mga nabanggit na opisyal upang linisin ang kanilang pangalan, wala pa rin tayong natatanggap na anumang pahayag o aksyon mula sa kanila. Ang kanilang pananahimik ay tila nagbibigay ng kumpirmasyon, o kung hindi man, ay nagpapakita ng kawalang malasakit sa hinaing ng kanilang mga nasasakupan.
Samantala, isang panibagong sumbong ang nakarating sa ating tanggapan. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang sa Alfonso. Ayon sa mga impormanteng mula sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite, ay may mga nagkalat din na operasiyon ng mga iligal na saklaan sa ilang barangay sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR JENNY BARZAGA. Katulad ng sa Alfonso, ang operasyon ng sakla sa Dasmariñas ay tila walang takot at hayagang isinasagawa, at mas masahol pa rito ay may mga nagpapakilalang kolektong na nagsasabing hawak daw sila ni Mayor Barzaga.
Binabanggit na ang mga operator ng saklaan sa Alfonso na sina ALYAS IAN AT ALYAS FRANCIS na sila ay may koneksyon rin umano sa mga galawan ng operasiyon sa Dasmariñas. Ang kanilang operasyon ay sinasabing protektado diumano ni MAYOR JENNY BARZAGA kapalit ng lingguhang padulas o payola, bagay na matagal nang bulong-bulungan sa lalawigan.
Mayor Jenny Barzaga, totoo ba ito? Hindi natin alam pero dapat umaksiyon na itong si Mayor Barzaga dahil tila kinakaladkad na ng mga iligalista ang pangalan niya. Huwag niya hayaang pakaang-kaang lang ang kaniyang chief of police na si
Hindi lamang sina Mayor Salamat at PMAJ Mojica ang ikinakabit sa mga iligal na aktibidad na ito kundi pati ang mga mataas na opisyal sa lalawigan. Sa mga naunang ulat, lumutang ang mga pangalan nina Gov. Abeng Remulla at Cong. Aniela Tolentino na diumano’y pinadadalhan din ng lingguhang payola ng mga operator ng sakla. Subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala ring tugon o paglilinaw mula sa kanilang panig.
Habang patuloy ang pananahimik ng mga nabanggit na opisyal, lalong lumalalim ang hinala ng publiko.
Sa halip na tumahimik, mas makabubuti sana kung sila’y magsalita at patunayang hindi sila konektado sa mga iligal na aktibidad na. Dahil sa pananahimik naging dahilan ito upang magduda ang taumbayan.
Mayor Jenny Barzaga, Mayor Randy Salamat, PMAJ Julius Mojica, Gov. Abeng Remulla at Cong. Aniela Tolentino — bukas ang aming pahayagan upang marinig ang inyong panig.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento. Tutok lang, parekoy. Abangan ang susunod na isyu. (Latigo Reportorial Team)




