MURANG KURYENTE AT TULONG SA MAMAMAYAN, PRAYORIDAD NI SENATOR MARCOLETA

MANILA — May pag-asa ang bayan!
Ito ang mensaheng dala ni Senator Rodante Marcoleta sa kanyang unang hakbang bilang miyembro ng 20th Congress. Bagamat unang termino pa lamang niya bilang Senador, agad niyang isinulong ang sampung mahahalagang panukalang batas na tutugon sa mga pangunahing suliranin ng mamamayan.
Ayon kay Senator Marcoleta, pangunahing layunin ng kanyang mga panukala ang pagpapababa ng ­presyo ng kuryente, pagbibigay kapangyarihan sa mga barangay, pagpapatibay ng sektor ng agrikultura, at pangangalaga sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ng mga urban poor.
“Pangunahin sa aking mga panukala ang pagsulong ng murang kuryente. Panahon nang ating tugunan ang paghihirap ng ating mga kababayan, at mabigyan sila ng laban sa pang-araw-araw,” pahayag ng senador.
Dagdag pa niya, hindi dapat pahirapan ng sistema ang mga ordinaryong Pilipino. Sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin, taas-singil sa kuryente, at kawalan ng trabaho, kailangan umano ng pamahalaang tunay na magbibigay-solusyon.
Bukod sa murang kuryente, binigyang-pansin din ni Marcoleta ang pagpapalakas sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mas maraming kapangyarihan at suporta sa barangay level. Aniya, mahalaga ang papel ng barangay sa pagbibigay ng mabilis at direktang serbisyo sa taumbayan.
Pagdating sa agrikultura, layunin ni Marcoleta na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng sapat na suporta, kagamitan, at access sa merkado upang maiangat ang kanilang kabuhayan at mapatatag ang suplay ng pagkain sa bansa.
Sa kanyang unang hakbang bilang mambabatas, pinatunayan ni Senator Marcoleta na ang kanyang serbisyo ay nakatuon sa mga ordinaryong Pilipino—mga OFW, urban poor, magsasaka, at mga nasa grassroots. Tiyak aniya na may pag-asa pa tayo, basta’t may tunay na malasakit sa Senado. (Latigo Reportorial Team)

KAMPO NI VP SARA, NAGHAIN NA NG SAGOT SA IMPEACHMENT COURT

FERNANDO, SUPORTADO ANG MBIFCCDEP PARA PROYEKTONG MABAWASAN ANG BAHA SA GITNANG LUZON

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"