SEN. MARCOLETA, DUMALO SA SENATE ORIENTATION

MANILA — Ipinamalas ni Senator Elect Rodante Marcoleta ang kanyang pagiging kalmado at tiwala sa demokratikong proseso sa gitna ng usapin ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Sa kanyang pagbisita sa Senado, masayang sinalubong ni Marcoleta ang bagong kabanata ng kanyang paglilingkod matapos niyang silipin ang silid na nakatakdang italaga para sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako dinala e,” biro ng kongresista, sabay ngiti.

Pagdating naman sa isyu ng impeachment, pinili ni Marcoleta na ipaubaya ang masalimuot na detalye sa mga dalubhasa.

“Hayaan mo na yung magagaling,” sagot niya, nagpapahiwatig ng kanyang kumpiyansa na maayos na maisasakatuparan ang proseso sa tulong ng mga legal na eksperto.

Nang matanong tungkol sa legalidad ng kautusan ng impeachment court na ibalik sa Mababang Kapulungan ang Articles of Impeachment, simple ngunit makahulugan ang kanyang tugon:

“Secret” ani Marcoleta, na animo’y nagpapahiwatig ng kahandaan ngunit nananatiling mahinahon at responsable sa pagbibigay ng impormasyon.

Ang kanyang mga pahayag ay nagpapakita ng pagiging propesyonal at maingat.

Uupo si Marcoleta bilang bagong senador ngayong dadating na Hulyo 2025. (Latigo Reportorial Team)

PANGULO SA SILID-ARALAN – ISANG DI MALILIMUTANG ARAW SA EDSES

MGA NEGOSYANTENG BULAKENYO, PINARANGALAN SA MOBB 2025 AWARDS NIGHT

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"