CHAIRMAN SABILI, NAGTAPOS NG DOCTOR OF CIVIL LAW

Sa likod ng bawat tagumpay ay may kwento ng sakripisyo, pagpupunyagi, at tunay na pagmamalasakit sa kapwa.

Isa sa mga inspirasyon ng makabagong henerasyon ng mga lingkod-bayan ay si former PCUP Chairman at Undersecretary Meynardo A. Sabili, na matagumpay na nagtapos ng Doctor of Civil Law Program mula sa prestihiyosong University of Santo Tomas Graduate School of Law.

Sa mundo ng serbisyo publiko kung saan ang mga hamon ay walang katapusan, patuloy ang kanyang pag-aaral—hindi para sa personal na ambisyon kundi para sa kapakanan ng bayan.

Sa kanyang dissertation na may pamagat na “Ensuring A Safe Public Workplace: A Legislative Proposal Against Government Workplace Bullying”, muling pinatunayan ni Chairman Sabili ang kanyang walang kapantay na malasakit sa mga kawani ng pamahalaan, sa layuning lumikha ng mas ligtas at makataong lugar-paggawa para sa lahat.

Hindi na bago sa kanya ang pagsisilbi sa publiko. Mula sa kanyang panunungkulan bilang Mayor ng Lipa City sa loob ng tatlong termino (2010–2019), hanggang sa pagiging miyembro ng Batangas Provincial Board (1991–2001), dala niya ang pusong tapat at may malasakit. Bilang Undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development, at ngayon ay Chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), mas lalong lumawak ang kanyang saklaw ng serbisyo—lalo na para sa mga maralita.

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa larangan ng akademya. Siya ay Valedictorian at Magna Cum Laude ng UST Graduate School of Law Master of Law Program. Pinarangalan din siya ng Best in Policy Paper at Doctor Jose Rizal Award for Academic Excellence mula sa Philippine Public Safety College. May hawak rin siyang Certificate of Ethical Practice mula sa Harvard University at kinatawan ang Pilipinas sa isang Climate Forum sa Harvard noong 2022.

Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang kanyang tagumpay, kundi tagumpay rin ng bawat Pilipinong nangangarap. Sa kabila ng kaniyang mga narating, hindi niya pinabayaang maputol ang kanyang hangaring patuloy na matuto at magsilbi ng higit pa.

Si Chairman Meynard Sabili ay huwaran lider, hindi kailanman tumigil sa paglilingkod, at walang kapantay ang dedikasyon para sa bayan. Sa kanyang katauhan, tunay ngang makikita na ang karunungan ay kapangyarihang ginagamit para sa makatao at makatarungang pamamahala.

Ang kanyang bagong tagumpay ay paalala sa ating lahat na walang hadlang sa taong may layunin, pananampalataya, at malasakit sa kapwa.

Chairman Sabili, ang iyong tagumpay ay aming dangal. Salamat sa iyong patuloy na paglilingkod sa sambayanang Filipino! (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

SSS INKS AGREEMENT WITH DOH CARAGA FOR SOCIAL SECURITY PROTECTION OF 200 JO AND COS WORKERS

WALONG HEPE SA METRO MANILA, SINIBAK NI PGEN TORRE III

Leave a Reply