PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, TAHIMIK LANG KONTRA ILLEGAL GAMBLING?

CALABARZON — Habang patuloy ang pagkondena ng mga mamamayan laban sa talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa mga lalawigan ng Laguna at Batangas, isang bagong ulat ang nagsisiwalat ng umano’y mas malalim at mas malawak na impluwensya ng sistematikong “tara system” na kinabibilangan ng ilang mataas na opisyal ng pulisya.

Matapos mapangalanan sina PCOL Ricardo Dalmacia ng Laguna at PCOL Jacinto Malinao ng Batangas sa naunang ulat bilang mga umano’y protektor ng mga iligal na aktibidad, isang bagong sumbong ang nagsiwalat na hindi lamang sila ang posibleng sangkot. Ayon sa isang insider na dating nakatalaga sa Region IV-A, “May indikasyon na hindi lang hanggang provincial level ang benepisyaryo ng tara. Posibleng umaabot na ito sa regional command, at maging sa ilang konektado sa pambansang punong himpilan.”

Sa pinakabagong ulat mula sa bayan ng Calauan at Sta. Cruz, Laguna, pati ang ilang miyembro umano ng intelligence unit ay namataan sa mga lugar ng sugalan — hindi para manghuli, kundi para “mag-monitor” diumano sa mga sugalan.

Kada linggo, may taga-kolekta. May kotse pang gamit ng PNP ang nakapuwesto habang kumukuha ng padulas,” ayon sa isang residente ng Calauan.

Sa Batangas, hindi lamang mga peryahan ang sangkot kundi pati na rin ang operasyon ng saklaan sa mga liblib na barangay sa San Jose, Ibaan, at Padre Garcia.

Dumagdag pa sa kontrobersya ang mga paratang na ilang opisyal sa hanay ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang ilang mayor at konsehal, ay tahimik ngunit aktibong nakikinabang sa kita mula sa sugal. Isang source mula Tanauan City ang nagsabing, “Kapag hindi mo pinayagan ang sugal sa barangay mo, posibleng mawalan ka ng pondo o suportang pampulitika. Ganito kabigat ang impluwensya ng sindikato.”

Sa kabila ng mga patong-patong na sumbong, tahimik pa rin sina PCOL Dalmacia at PCOL Malinao

. Nanawagan naman ang mga grupo mula sa civil society, simbahan, at akademya na agad na maglunsad ng independent probe at lifestyle check sa mga sangkot.

Kapag walang nagbago sa susunod na mga linggo, malinaw na may mas malaki pang pwersang pumapabor sa status quo. At kung ganoon, baka kailangang ang taumbayan na mismo ang kumilos,” babala ng isang organisador mula sa youth group sa San Pablo City. (Latigo Reportorial Team)

PCOL QUIMNO, TULOY MAY BASBAS SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA NI ALYAS BEBET AGUAS?

ILLEGAL GAMBLING AT FAKE CIGARETTE, UNSTOPPABLE SA NUEVA ECIJA?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"