TARLAC – Walang harimunan ang pag-ikot ng dalawang nagpapakilalang kolektong diumano ni Tarlac PPO Provincial Director PCOL Miguel Guzman sa ilang mga nagkalat na illegal na pasugalan sa lalawigan ng Tarlac.
Kalat at mala-casino pa rin ang mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Tarlac na makailang beses nang inirerereklamo ng mga mamamayan ng Tarlac kung saan diumano ay kaliwat kanan ang mala-casino gambling dens na itinatayo ng ilang mga illegal gambling operator ngunit ngayon ay tila bulag ang kapulisan ng Tarlac patungkol sa pagsugpo sa mga illegal na sugalan na ito o dahil ba tila nakikinabang umano ang kapulisan sa pera ng sugal ng mga iligalistang ito?
Na walang harimunang sinasamantala nitong mga nagpakilalang diumano`y kolektor ni PD Miguel Guzman. Bagman daw sila! Totoo kaya ito?
Ayon sa source, napag-alaman na umaaray ang mga operator ng ilang saklaan sa halos kalahating tongpats na hinihingi ntiong nagpakilala na sina Alyas Ricky Gonzales na kanang-kamay diumano ni PD kasama pa itong si Alyas Brendon na bata ni Alyas Ricky.
Ayon sa isang concerned citizen, hindi daw sila mabibigla kung matanggal sa posisyon itong si PCOL Guzman o kung totoo man na siya ay protektor ng mga nagkalat na sugalan sa lalawigan.
“Nako! Hindi na ko masa-shock diyan, kasi kung tutuusin matagal ng problema ng Tarlac yan at matagal na din yang pulis na iyan dito sa Tarlac pero wala naman ginagawang aksyon” ayon sa isang mamamayan sa Paniqui.
Nakakalungkot dahil ganito na ang stand ng ilang mga mamamayan dito sa Tarlac.
Ayon sa isang source natin diumano ay pumapaldo daw ang tanggpan ni PD Guzman sa loob ng isang linggo ng higit-kumulang isang milyones mula sa mga payola. Well kung totoo man ito, ehh nakakabahala iyan.
Napag-alaman na umiikot itong sina Alyas RICKY at Alyas BRENDON sa mga Bayan at Lungsod ng Concepcion, Tarlac City, Capas, Paniqui at Victoria.. para makangikil sa mga iligalista dito sa nasabing bayan.
PD MIGUEL GUZMAN baka pwede niyo naman kantiin ang mga animal na diumano`y kolektor na yumuyurak sa inyong pangalan. Huwag niyo naman hayaan na magmala-casino ang buiong lalawigan ng Tarlac.
Huwag ninyo hayaan na sirain nitong sina Alyas Ricky at Alyas Brendon ang pangalan ninyo PD. Ito ay kalapastanganan sa batas, lalong-lalo na pagdating sa 1602/
Gabi-gabi ay nagkalat ang mga saklaan at mga sugal lupa tulad na lamang sa mga pergalan sa Tarlac.
PCOL MIGUEL GUZMAN, galaw-galaw po kayo! Sagasaan ang mga iligalista at ipahuli ang mga Bagman mo diumano na sina ALYAS RICKY AT ALYAS BRENDON.
Halos linggo-linggo naman naming tinatawag ang atensiyon niyo, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay ipinagkikibit-balikat niyo lang!
Tutukan namin ang inyong maging aksyon! Abangan (Latigo Reportorial Team)