NUEVA ECIJA — Balik pamamayagpag umano ang operasyon ng mga iligal na sugal at umano’y pagawaan ng mgapekeng sigarilyo sa ilang bahagi ng Nueva Ecija.
Batay sa mga panibagong impormasyon mula sa mga residente at concerned citizens, nananatiling aktibo umano ang mga operasyon sa mga lungsod ng Cabanatuan at Muñoz, gayundin sa mga bayan ng Rizal, Llanera, at Talavera. May mga ulat ring nagsasabing ilang menor de edad ang nasasangkot sa mga naturang aktibidad.
Ayon sa mga reklamo, kinakaladkad umano sangkot sa pamamalakad o pangongolekta ng bayad mula sa mga operasyon. Sinasabing may umiikot na lingguhang “padulas,” subalit wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa mga awtoridad ukol dito.
Sa bayan ng Talavera, nababahala ang mga residente sa patuloy na ulat ukol sa presensya ng mga umano’y pagawaan ng pekeng sigarilyo, partikular sa mga barangay ng Platero, Marcos, Andal, at San Pascual. Sa kabila nito, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa mga lokal na opisyal ng barangay na nabanggit.
Samantala, nananawagan ang ilang grupo ng mamamayan sa pamunuan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni PCOL Ferdinand Germino na magsagawa ng mas masusing imbestigasyon at agarang aksyon ukol sa mga natatanggap na ulat. Anila, mahalagang tiyakin na ligtas at malaya sa anumang uri ng ilegal na aktibidad ang lalawigan.
“Umaasa kaming mas paiigtingin pa ng ating kapulisan ang kanilang presensya at aksyon upang matigil ang ganitong mga gawain. Naniniwala kaming may magagawa sila kung magkakaroon lamang ng seryosong pagtutok,” ayon sa pahayag ng isang residente mula sa Muñoz.
Nanawagan po tayo kay PCOL Germino na linisin at bigyang linaw ang mga alegasyon na ito. May kasunod pa (LATIGO REPORTORIAL TEAM)