JAD RACAL TO THE RESCUE

Sta. Maria, Bulacan — Mabilis na tumugon si Jad Racal sa panawagan ng kaniyang mga kababayan sa ikaanim na distrito matapos mawalan ng suplay ng tubig ang isang barangay sa nasabing lugar.

Agad siyang nagpadala ng mga water tank at personnel upang magsagawa ng water rationing sa mga apektadong residente. Sa kaniyang Facebook post, makikitang nakapila ang mga mamamayan na sabik na makakuha ng tubig, habang siya ay personal na nagbabantay sa pamamahagi.

Nung panahon na nangailangan ang ating mga kababayan, hindi po tayo nagdalawang-isip na tumugon,” ani Racal sa kaniyang post. “Naghahanap ang ating mga ka-distrito ng mabilis na aksyon sa mga problema at may pagkalinga sa mga mahihirap. Panawagan ko na huwag sana sayangin ng mga binigyan ng pagkakataon na manilbihan ang pagkakataon.”

Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa inisyatibang ito, na para sa kanila ay isang konkretong patunay ng tunay na paglilingkod sa bayan.

Hindi kami pinabayaan. Maraming salamat po kay Jad Racal sa agarang pagtulong,” pahayag ng isang residente habang hawak ang kaniyang galon ng tubig.

Muli, pinatunayan ni Jad Racal na sa panahon ng pangangailangan, may maaasahan ang mga taga-ikaanim na distrito.(Latigo Reportorial Team)

URBAN POOR, DUMALO SA ORYENTASYON NG NEGO-KART LIVELIHOOD PROGRAM

PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, MANHID NGA BA SA SANDAMUKAL NA SUGAL?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"