TULONG PANGKABUHAYAN, TINALAKAY NG PCUP AT IBA PANG AHENSYA SA TWG MEETING

TONDO, MANILA – Noong Mayo 8, 2025, matagumpay na idinaos ang ikalawang Technical Working Group (TWG) Meeting on Livelihood and Income Restoration (LIR) sa PNR Executive Building sa Tutuban, Tondo, Maynila. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensyang pampamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Transportation (DOTr), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of Finance (DoF), National Housing Authority (NHA), Department of Science and Technology (DOST), at Philippine National Railways (PNR).
Kabilang din sa mga lumahok ang Presidential Commission for the Urban Poor – DOTr Project Management Office (PCUP-DOTr PMO), sa pangunguna ni Supervising Officer Mr. Von Ryan P. Bernardo, kasama ang ilang miyembro ng kanilang tanggapan.
Isa sa mga mahahalagang napagkasunduan sa pulong ay ang pagbuo ng Special Order para sa opisyal at regular na representasyon ng bawat ahensya sa mga susunod na TWG meetings. Pormal ring kinilala ang partisipasyon ng PCUP sa grupo sa pamamagitan ng opisyal na pagtatalaga ng DSWD bilang kanilang kinatawan.
Bilang bahagi ng mga susunod na hakbang, inatasan ang PCUP-DOTr PMO na ilahad ang kanilang Socio-Economic Profile at Training Needs Survey sa susunod na pagpupulong na itinakda sa Hunyo 17, 2025. Kasama rin sa kanilang responsibilidad ang pagbabalangkas ng Livelihood Implementation Guidelines para sa Local Inter-Agency Committee (LIAC) Sub-Committee on Livelihood.
Patuloy namang isinusulong ni PCUP Chairperson at CEO, Hon. Meynardo A.
Sabili, ang pagpapalakas ng mga ­inisyatibo sa Social ­Preparation upang matiyak na ang bawat Pilipino ay magkakaroon ng ligtas, maayos, at maipagmamalaking tahanan at kabuhayan.
Ang TWG Meeting ay bahagi ng ­patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang maisulong ang makataong relokasyon at pangmatagalang solusyon sa kabuhayan para sa mga pamilyang apektado ng mga proyektong imprastraktura.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PLTGEN JOSE MELENCIO NARTATEZ JR, PINAKAMATUNOG NA NEXT PNP CHIEF!

PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT NI JAD RACAL, TULOY-TULOY PA RIN!