JAD RACAL, NAGPASALAMAT SA LAHAT NG TAGASUPORTA!

Sta. Maria, Bulacan — Naglabas ng pahayag si Jad Racal bago ang halalan kung saan kinumpirma niyang hindi siya kasama sa balota para sa nalalapit na eleksiyon. Sa kabila ng desisyon ng Regional Trial Court na kinikilalang siya ay lehitimong residente ng Ikaanim na Distrito, hindi pa rin siya nabigyan ng Temporary Restraining Order (TRO), dahilan upang hindi maisama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato.

Ayon kay Racal, ginawa nila ang lahat ng legal na hakbang upang maipaglaban ang kanyang karapatan, subalit nananatiling palaisipan para sa kanilang kampo kung bakit hindi kumilos ang Korte Suprema ukol sa kanilang apela.

Hanggang ngayon na araw ng eleksyon ay pala isipan pa rin po saatin na hindi pa rin po nareresolve ang kaso natin sa Korte Suprema. Sa ngayon, kailangan po natin tanggapin na hindi pa ayon sa mga pangarap natin ang nangyari ngayon.” pagtanggap ni Jad Racal

Gayunpaman, taos-pusong pasasalamat ang ipinahayag ni Racal sa kanyang mga tagasuporta at sa lahat ng tumulong sa kanyang kampanya.

Ganun pa man, sa maikling panahon ng ating pong pagsasama, sa mga pag iikot po natin ay malinaw po sa atin ang tinig ng taumbayan. Nagpapasalamat po ako sa aking pamilya, kayong mga supporters at leaders sa Bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria na tumindig kasama ko mula umpisa hanggang dulo. Sa mga kapatiran at ministro ng Iglesia ni Cristo, sa mga pari sa simbahan, mga pastor sa mga ministry, maraming salamat po sa inyong ispiritwal na gabay.” pahayag ni Racal.

Ipinahayag din ni Racal ang kanyang tuwa sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang kaarawan noong Mayo 8, kung saan dinagsa siya ng mga taga-suporta.

Matuloy man ang pagtakbo o hindi, very thankful na po ako na nangyari yun. At least napasaya ko kayong lahat,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Racal na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga programang pangserbisyo gaya ng pamamahagi ng libreng gamot at bigas para sa mga residente ng Ikaanim na Distrito, bilang patunay ng kanyang malasakit at dedikasyon sa publiko.

Huwag kayong mag alala, magtuloy tuloy po ang Serbisyong Racal, ngayon at magpakailanman, mga programa na di niyo po naramdaman sa loob ng mahabang panahon, may puwesto o wala, manalo o matalo ay tutuparin ang mga pangako dahil malinis po ang intensyon natin sa pagtakbo na ito,” giit ni Racal.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PROGRAMANG PANGKABUHAYAN, PINALAKAS NG PCUP AT UNIBERSIDAD NG BATANGAS

ATTY. CHRISTIAN NATIVIDAD, WAGI PARA SA IKALAWANG TERMINO PAGKA-ALKALDE NG MALOLOS