PARTY LIST NOMINEE, TIGOK SA SAMPALOC!

Binaril at napatay ang isang nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist na si Leninsky Bacud, dating barangay chairman, sa isang pamamaril na naganap sa P. Guevarra Street, Barangay 435, Zone 44, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mga salarin na agad tumakas matapos ang insidente. Isinugod pa sa ospital si Bacud ngunit idineklarang patay kalaunan.
Napag-alamang may nakaengkuwentro rin ang mga salarin na isang pulis na residente ng lugar, habang ilang sasakyan ang nadamay at tinamaan ng mga bala. Patuloy na iniimbestigahan ng Manila Police District’s homicide division ang ­insidente upang matukoy ang motibo sa krimen at kilalanin ang mga responsable. (Marlon Espeña)

GOV. GWEN GARCIA, SINUSPINDE NG OFFICE OF THE OMBUDSMAN

DALAWA PATAY, KABILANG ANG 5-TAONG GULANG NA BATA, SA SUV CRASH SA NAIA TERMINAL 1

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"