9 KANDIDATO, KABILANG ANG 3 MAYOR SA METRO MANILA, PINADALHAN NG SHOW CAUSE ORDER NG COMELEC

MANILA – Siyam na kandidato sa darating na halalan sa Mayo 12, kabilang ang tatlong tumatakbo bilang alkalde sa Metro Manila, ang pinadalhan ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa umano’y paglabag sa batas pang-eleksyon.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, pinaiimbestigahan ng Task Force Kontra Bigay ang mga alegasyon ng pamimili ng boto at paggamit ng rekurso ng gobyerno sa kampanya ng mga nasabing kandidato.
Ilan sa mga pinangalanang kandidato ay sina Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Samuel Versoza Jr., at Dale Gonzalo Malapitan. Kabilang din sa listahan ang mga tumatakbo sa Quezon City, Bulacan, Leyte, Nueva Vizcaya, at Masbate.
Binigyan sila ng tatlong araw upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong paglabag sa halalan o diskalipikasyon. Babala ng Comelec, ang kabiguang tumugon ay ituturing na pagwawaksi sa kanilang karapatang ipagtanggol ang sarili.(Zhel Magpantay)

PCOL MALINAO, TIKOM LABAN SA MGA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS?

LIBRENG LEGAL AID SA KAPULISAN, HANDOG NG MALAKANYANG!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"