VP SARA, INENDORSO SI CONG. MARCOLETA

LUNGSOD NG MAYNILA — Opisyal nang inendorso ni Bise Presidente Sara Duterte si SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta bilang isa sa mga nais niyang mahalal sa Senado sa darating na midterm elections sa Mayo 12, 2025.
Sa isang campaign advertisement na inilabas sa opisyal na Facebook page ni Marcoleta noong Miyerkules, Abril 16, inalala ni VP Sara kung paanong buong tapang na ipinagtanggol ni Marcoleta ang Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng mga batikos at pananakot umano noong panahon ng deliberasyon ng panukalang budget nito sa Kongreso.
“Iisa lang ang Rodante Marcoleta sa Senado, hindi natitinag, hindi natatakot at laging nasa panig ng tama,” ani Duterte sa naturang video.
Dagdag pa niya, “Noong pinupuna at tinatakot ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo, siya ang tumindig at dumepensa, hindi alintana ang pambabatikos.”
Iginiit pa ng bise presidente na karapat-dapat si Marcoleta na maging senador dahil sa taglay nitong prinsipyo, integridad, at paninindigan sa tama.
“Dahil para kay Marcoleta, ang tama ay ipinaglalaban kahit mag-isa ka lamang,” diin ni VP Duterte.
Kasama si Marcoleta sa senatorial lineup ng PDP-Laban, ang partidong dating pinamunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang magiging mainit ang laban sa Senado sa 2025 midterm elections na gaganapin sa ika-12 ng Mayo. (Latigo Reportorial Team)

JAD RACAL NANGUNGUNA SA SURVEY!

KALUSUGAN AT KABUHAYAN HATID NG PCUP SA LIPA, BATANGAS

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"